Pinal na Kahingian sa Natatanging Diskurso, Paut,MaeJirekaS.

 

Pinal na

Kahingian

Sa Asignaturang

Natatanging Diskurso

Ipinasa kay:

Bb. Merilyn Lincallo

Inihanda ni:

Mae Jireka S. Paut

BSED III Filipino


Tekstong Naratibo

 

“Ang Wagas na Pagmamahalang ng Prinsipe at Prinsesa”

 

Noong unang panahon may isang prinsesa na ubod ng ganda at may isang prinsipe naman na naging kasintahan ng prinsesa. Naging masaya ang dalawa sa kanilang pag-iibigan, ngunit may biglang humadlang sa kanilang pag-iibigan at ito ay ang nag-iisang matandang mahikero sa kanilang kaharian. Nagbanta ang matanda na kong hindi mapapasaka niya ang prinsesa ay papatayin niya lahat ng tao sa kanilang kaharian. Walang nagawa ang hari kundi ibigay ang prinsessa .Pero hindi pumayag ang prinsipe at nakipaglaban ito sa matanda. Nanalo naman ang prinsipe at binalikan niya ang prinsesa ngunit nang pabalik na siya ay may biglang sumaksak sa kanya sa likod at yun pala ang matanda na naghihingalo na. Biglang nahimatay ang prinsipe at namatay naman ang matanda. Pinahanap ng prinsesa ang prinsipe pero di na ito nakita pa. Ang prinsipe pala ay dinala ng isang babae sa kanilang bahay na labas na sa pinaghaharian ng prinsesa kaya di nila nakita ang prinsipe. Lungkot na lungkot ang prinsesa sa pagkawala ng kanyang minamahal na prinsipe. Pagkaraan ng ilang araw ay namalayan na ang prinsipe at nakita niya na nasa bahay pala siya ng isang babae. Nagpasalamat ang prinsipe sa babae at sabay rin na umalis ang prinsipe pero hindi pumayag ang babae dahil natutunan na niyang mahalin ang prinsipe, pero nagpaliwanag ang prinsipe kung bakit hindi siya pwede magtagal at naintindihan naman ito ng babae at bumalik na ang prinsipe sa kanilang kaharian.

Nang makarating siya doon ay nakita niya ang prinsesa na ikinakasal sa isang binata, pinigilan ng prinsipe ang kasal, pero hindi pumayag ang hari na itigil ang kasal kaya inutusan ng hari ang kanyang mga tauhan napatayin ang prinsipe, nakipaglaban ang prinsipe sa mga kawal ng hari pero masyadong madami ang mga kawal at hindi ito nakaya ng prinsipe at biglang dumating ang isang hukbo ng kawal na galing sa ibang kaharian at tinulungan ang prinsipe. Nakatakas naman ng ligtas ang prinsipe at ang prinsesa, at dinala sila nang mga kawal sa kaharian ng Berbania, ito pala ay pinamumunuan ng babae na nagpagaling sa sugat ng prinsipe,sinubukan lang pala ng babae ang pagmamahal nang prinsipe sa prinsesa at napatunayan niya naman ito. Binigyan ng babae ang magkasintahan ng isang lupa at bahay para doon sila tumira at namuhay sila nang maligaya. Ang magkasintahan ay nanganak ng isang lalaki hindi alam nang lalaki kung ano ang istorya nang kanyang mga magulang at namuhay siya nang tahimik haggang sa ipatawag siya nang reyna nang kanilang tinitirhan na bayan, hindi niya alam na gagawin pala siyang isang magiting na mandirigma ng kanilang kaharian ng magkaroon ng digmaan sa kabilang kaharian na pinanggalingan ng prinsessa noon, ay sumali dito ang lalaki, pinasali siya nang reyna sa susulong na hukbo para sakupin ang kaharian ng Entaryuio (kaharian ng prinsessa noon) naging madugo ang labanan pero sa kasamaang palad hindi sapat ang mga hukbo na ipinasugod ng kaharian ng Berbanya sa kaharian ng Entaryuio at ang lalaki lang at iilang kasamahan ang nakaligtas. Kahit talo na sila ay di parin sila sumuko at nagbantay pa rin sila sa kaharian ng Entaryuio, naglakad-lakad ang lalaki nang makita nito ang napakagandang babae na tumitingin sa langit nang hindi nagiisip niligawan niya ang babae at dahil gwapo rin at mabait ang lalaki pumayag ang babae na hindi alam kong taga saan ang lalaki nagsama ang dalawa ng malaman ng hari ng Entaryuio na may mga spy pala sa kanilang kaharian ay nagpadala siya ng mga kawal para hanapin ito, nalaman naman kaagad ito ng lalaki at pinauwi niya ang iilan sa kanyang mga kasamahan para sabihin sa reyna ang mga nalaman nila at ang iba ay nagpaiwan para lituin ang mga kawal, marami sa kasamahan ng lalaki ang napatay at ang iba ay nakaligtas ang lalaki ay nagpaala muna bago ito umalis pero nakita siya ng mga kawal ng hari at hinuli siya pero naglaban ang lalaki at nakapagtago ito sa dilim pagkakinabukasan ay nagpadala ang reyna nang 10,000 na kawal para sakupin ang kaharian ng hari tumagal ang laban ng iilang araw at maliit nalang ang pag-asa ng hari na manalo dahil masyadong marami ang kawal ng reyna compara sa hari , natalo ang hari . Akala ng hari na sisirain nila ang boung kaharian pero nagkamali siya ibinigay ng reyna ang truno ng hari sa lalaki na, hindi nakapaniwala ang lalaki at ang hari sabay tanong naman nito kung bakit niya ibinigay sa lalaki ang trono sinagot naman ito ng reyna na ang lalaki ay ang anak ng hari na naglayas, laking tuwa ng hari nang malaman ito nabuhay pa pala ang kanyang apo. At nabuhay ang lalaki bilang hari at ang kanyang kasintahan bilang reyna sa kaharian ng Berbanya, at nabuhay sila nang matiwasay at maligaya. Pagkaraan ng ilang taon ay namatay na ang lalaki at pinalitan siya nang anak, may mga kaharian na gustong sakupin ang Berbanya pero di sila nanalo.







 

Tekstong Argumentatibo

“Hashtag Inlove or not?”

“Ang pag-ibig ay hindi basta basta dumarating sa ating buhay, hindi rin ito basta basta hinihingi kundi dumarating ito sa isang di inaasahang pagkakataon at kung minsan pa’y di natin inaakala na ang mismong kaharap na natin ay ang matagal tagal na nating pinakaaasam na pag-ibig”. Ngunit kailan nga ba natin masasabing tunay na pag-ibig na ito? Paano nga ba natin nararamdaman kapag tayo ay inlove? At ang pinakamabigat na tanong, gaano tayo kasigurado na ang taong ito ay siyang nakatakda talaga sa ating buhay?

 

         Mabigat. Mahirap ngunit kapag alam nating tayo ay tapat at seryoso, masasabi nating masarap ang magmahal at ang mahalin. May mga pagkakataon sa ating buhay na naranasan na nating magmahal at masaktan kapag tayo ay “inlove” sa isang tao. Minsan pa nga’y kapag masyado tayong nasaktan o na-heartbroken ay halos isumpa na natin ang mismong taong nanakit sa atin. Ngunit lagi nating tandaan na kapag dumating ang panahong maranasan natin ang bagay na iyon, ito ay para sa ikabubuti natin, plano ng Diyos dahil alam niya kung sino talaga ang nararapat sa pagmamahal na ibinibigay natin. Madaling malaman kapag ang isang tao ay “inlove”, andyan ‘yong tinutubuan ka ng madaming pimples dahil hindi ka matulog tuwing gabi dahil sa kakaisip o baka naman kasi katext mo siya, ‘yong pakiramdam na nababanggit mo ‘yong pangalan niya kahit di mo naman siya kasama o kausap, napapangiti ka ng walang dahilan kaya minsan napagkakamalan ka ng baliw o wala sa katinuan, ‘yong pakiramdam na abot hanggang tainga ang ngiti mo kapag nababasa mo ‘yong pangalan niya sa inbox mo at syempre ‘yong pakiramdam na nagkakatinginan kayo sa isa’t-isa, kunwari ka pang lilihis ng tingin pero maya-maya ay sumusulyap ka ulit. Totoong masarap ang mainlove sa isang tao lalo na kung alam mong may pagtingin din siya sayo, sabi nga ng iba “Cloud999999” dahil pakiramdam mo daw ay nasa langit ka, ngunit sa kabilang banda, mabigat ang kapalit nito kapag tayo naman ay nasaktan. Iba-iba kasi ang pag-uugali ng tao, mayroong mga taong grabe kung magmahal, ‘yong tipong sa iisang tao lang umiikot ang kanyang mundo, mayroon din namang ginagawa lang laro ang pagmamahal, at mayroon din namang seryosohan at ginagawa lang inspirasyon ang pagmamahal. Sabi nila, mas matindi daw mainlove ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Ang mga babae kasi pag nainlove ay halos tumalon na sa sobrang kilig, hampas ng katabi, at “pabebe-effect” o parang sanggol kung umarte samantalang ang mga lalaki naman daw ay tahimik lang pero grabe kung mainlove, tuwang tuwa daw sila kaso ayaw nilang ipahalata baka daw kasi kung anong isipin ng iba kung magsisitalon din sila. Ang pagkakaroon ng boyfriend/girlfriend ay hindi naman masama basta’t alam natin ang limitasyon ng isa’t-isa. Sapat na ang isa hanggang dalawang pagkikita sa isang linggo kung maaari at dapat kayo ay “legal” sa inyong mga magulang. Lahat ng ito’y nagsisimula sa pagiging inlove natin sa isang tao, ‘yong tipong nagpapapansin tayo sa kanila kahit di man lang nila tayo napapansin halimbawa na lang diyan iyong dadaan ka sa harap nila pero wala namang nangyayari, nagpapaimpress kahit di naman sila naiimpress, at minsan, dahil baliktad na ang mundo ngayon, babae na ang mismong lumalapit sa mga lalaki.

                Hindi naman masama ang mainlove, sa katunayan pa nga, kapag tayo ay inlove ay mas lalo tayong nagiging blooming at naiinspired gumawa ng mga magagandang bagay. Lagi lang nating tandaan na lahat ng bagay ay may limitasyon. Pagdating sa pagmamahal, dapat tanggap niyo ang isa’t-isa kung anumang pangit sa kanya ay dapat tanggap mo kung totoong mahal mo siya .Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan. Bago tayo pumasok sa isang relasyon, isipin muna natin ng maiigi, para sa huli, walang pagsisising magaganap.






Tekstong Deskriptibo

“Pasyalan ang Gandang Ipinagmamalaki ng El Nido Palawan ”

Isa ka ba sa mga taong hindi makapagpasya kung saan mo gugugol

ang iyong bakasyon sa Pilipinas? Kung saan ikaw ay naghahanap ng isang lugar kung saan maaari mong ipahinga ang iyong isip, ang iyong mga mata ay pinagpipiyestahan ang magagandang tanawin ng kalikasan, ang mapang-akit na mga ulap ay dumudulas sa malalim na bughaw na kalangitan, at kung huminga ka ng malalim, ang mabilis na hangin sa kagubatan ay

pumupuno sa iyong mga baga. Kung gayon, ang El Nido Palawan ay ang perpektong lugar para gugulin ang iyong bakasyon. Maraming maiaalok ang El Nido Palawan, Ang mga pangunahing

atraksyon ng El Nido Palawan ay ang napakagandang kapaligiran na bumubuo sa Bacuit Archipelago. Pagdating mo mula sa El Nido Palawan ay makikita mo kaagad ang Munisipalidad ng El Nido na nag-aalok sa iyong mga mata ng tanawin na parang napapalibutan ka ng mga higanteng tore dahil sa mga geological formations. Makikita mo rin dito ang mga puting- buhangin na dalampasigan na ang buhangin ay parang mainit na maliliit na bato sa iyong mga paa, Turquoise na tubig na malinis, na kung ilubog mo ang iyong mga paa sa tubig, makikita mo kahit ang bahagyang paggalaw nito. Sikat din ang mga coralreef sa lugar na ito. Bukod sa magagandang tanawin, nag-aalok din sila ng mga Island- hopping day trip mula sa El Nido Town hanggang Simizu, Cadlao, Dilumacad, at Matinloc, ilan lang silang mga isla na dapat bisitahin.  

Ang Sea Kayaking ay ang paraan ng transportasyon o ang eco-friendly na paraan upang tuklasin ang bawat isla. Ang Snorkeling at Scuba Diving ay kailangan ding bisitahin dito sa isla, Makikita mo ng malapitan ang kagandahan ng mga coral reef na tila isang kumikinang na kolonya ng mga alitaptap dahil sa malinaw at dalisay na tubig. Ang scuba Diving ay isa ring therapeutic

activity para sa mga manlalakbay dito dahil makikita mo ang iba't ibang species sa ilalim ng malawak na karagatan. Ang El Nido Palawan ay pinangalanan din bilang "World's Best Island" ng Conde Nast Traveler's Reader Choice Award para sa 2014 at 2015. At itinuring din na "The Last Ecological Frontier of the Philippines" dahil napreserba nito ang mga likas na yaman nito partikular na Ito ay Mayaman sa masaganang kagubatan, magulong bakawan, maringal na talon, makulay na coral reef, at geological formations Sinasabing ito ay isang nakatagong  piraso ng paraiso sa lupa man, dagat o maging sa himpapawid dahil sa mga  magagandang atraksyon nito na sinamahan ng magagandang tubig at mayayabong na tirahan sa kagubatan.

            Ang pagbisita at pananatili sa El Nido, Palawan ang magiging  pinakamagandang bakasyon na mararanasan mo mula sa mga magagandang tanawin hanggang sa mga therapeutic activities na magiging dahilan ng pagre-relax at pag-enjoy ng iyong katawan na para kang nasa  isang tagong paraiso. Ang mga kaakit-akit na tanawin nito ay mabubuhay ng marka sa iyong kaluluwa dahil sa dinamiko at magkakaibang mga tirahan  nito mga bahura at tropical na kagubatan. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakabalik dito, ngunit alam kong hindi ko makakalimutan ang mga sandaling ito.

 



Tekstong Ekspositori

“Unahin ang Kapakanan ng Mamamayan Bago ang Pulitika”

Hawak-hawak ko noon ang mabigat na banner habang ito’y hinahampas ng malakas na hangin. Tinatanaw ko ang kakaunting lumitaw na mga kasamahan sa mga oras na iyon, ang ilan ay namimigay ng mga flyers na naglalakip ng mahahalagang impormasyon. Sila’y tila di nakikita ng mga dumaraang mga tao at motorista. Sa sandaling iyon, bigla akong nakaramdam ng pagod at natanong ko ang aking sarili:

Ano nga ang aking ginagawa dito?

Ngunit sa sumunod na mga sandali ay nasilayan ko ang determinasyon sa kanilang mga mukha. Aking naalaala ang mahahabang paglalakad upang magdikit ng papel na sticker na may kalakip na mensaheng #IsyuHindiKandidato sa ibabaw ng mga campaign posters at materials ng mga kandidato; at ang enkwentro namin sa taong galit at pamurang sinabing “’Wag mong dikitan yan, kandidato ko yan!”

Aking naalaalang mayroon akong mga kasamahang naglaan ng kani-kanilang oras at seguridad upang magtungo sa mga footbridges at magkabit ng mga banners na nananawagan para sa tamang pagpili ng kandidato. Buo ang loob nilang hinarap ang mga galit na enforcers na nagpapaalis sa kanila. Aking naalaala ang mga kasamahan na muntikan nang mapahamak nang mapunta sila sa isang Miting de Avance ng isang partido. Sa mga sandaling iyon ay lumakas ang aking loob. Naramdaman ko ang pag-asang may magandang kahahantungan ang mga sakripisyo at gawaing tulad nito.

Sa ngayon, makalipas ang pangangampanya at botohan, aaminin kong masakit at tunay na may kirot sa puso ko ang huling halalan. Hanggang kailan natin kinakailangang ipaglaban pa ang mga isyu na dapat sana’y isinusulong ng mga kandidato upang maprotektahan ang karapatan ng mamamayan at kalikasan at, higit sa lahat, ang kinabukasan ng ating mga salinlahi?

Ngunit nang makita ko ang resulta ng eleksyon sa pamahalaang lokal, nabuhayan ako. Sa kabilang dako, nanaig ang pag-asa sa ilang mga lungsod: nagwakas na ang political dynasty sa Pasig, San Juan, Maynila, at iba pang lugar.  Para sa akin, hudyat ito na dumarami na ang mga botante na isinasaalang-alang ang plataporma na dala ng mga kandidato. Pero kailangan din ng mga totoong pinuno sa nasyonal na pamahalaan.  Napapanahon na upang tayo’y magkakaroon ng mga tunay na kakampi sa gobyerno, mga lingkod-bayan na magsisilbi nang tapat, na masigasig at buong loob na ipaglalaban ang mga isyu ng kalikasan … ng ating mga buhay at kabuhayan.


Comments